Minsan may isang doktor

     Minsan May Isang Doktor Salin ni Rolando A. Bernales Ang “Minsan May Isang Doktor” ay isang makabagbag-damdaming kuwento na nagpapakita ng mga hamon at sakripisyo ng isang doktor na naglilingkod sa kanyang komunidad. Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul at ang minsanang hindi pag-unawa ng iba sa kanyang propesyon, patuloy siyang nagbibigay ng kanyang serbisyo nang walang hinihintay na kapalit. Ang kuwentong ito ay sumasalamin sa katotohanan na ang mga doktor ay hindi lamang nagtatrabaho para sa kanilang sarili kundi para rin sa kapakanan ng kanilang mga pasyente. Ang pamagat ng kwento ay direktang tumutukoy sa paksa nito. Kaya’t masasabi kong ito ay mahusay at akma bilang pamagat. Taglay nito ang katangian ng isang mabuting pamagat dahil ito’y nagbibigay ideya kung ano at sino ang paksa ng kwento. Mahalaga ang paksa ng kwento na patungkol sa buhay at sa tungkulin ng isang doctor na walang pinipiling panahon o pagkakataon.

 Sa aking reaksyon, nais kong bigyang-pugay ang lahat ng mga doktor na tulad ng nasa kuwento. Sila ay tunay na mga bayani na nag-aalay ng kanilang oras, kaalaman, at kahit na ang kanilang personal na buhay para sa kalusugan at kaligtasan ng iba. Ang kanilang dedikasyon at pagmamalasakit ay dapat na kilalanin at pahalagahan ng bawat isa sa atin. Aking pinahahalagahan ang kwento dahil nagpapakita ito ng halaga ng propesyonalismo at pagmamahal sa serbisyo publiko. Ang karakter ng doktor ay nagpapakita ng integridad, matiyaga, at mapagmalasakit sa kapwa. Ang kwento ay nagbibigay inspirasyon sa mga mambabasa na maging mas matiyaga at mapaglingkod sa kanilang sariling larangan.Tama at maayos naman ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento dahil maayos ang pagsasalay at paglalarawan sa mga pangyayari. Papataas ang lebel ng kawilihan o tension sa kwento dahil namamayani ang emosyon ng tauhan. Sa pangyayari sa kwento. Dahil sa pag aalala niya sa kanyang anak naka galitan pa niya ang doctor. Ang naging umpisa ng kwento ay masasabi kong ayos lang dahil mukhang wala pa namang tensyon na magaganap sa umpisa. Ngunit sa umpisa pa lamang na kwento ay mababatid mo nang may kakaibang magaganap dito. 

Bukod dito, ang kwento ay nagpapaalala sa atin sa kahalagahan ng pagtutok sa pangangailangan ng iba at pagiging handang magbigay ng tulong. Ipinapakita ng kwento na sa pamamagitan ng ating dedikasyon at pagmamahal sa propesyon, maaari tayong maging instrumento ng pag-asa at pagbabago sa ating lipunan. Malungkot ang naging wakas ng kwento. Nakakapukaw ito ng damdamin sa mambabasa. Hindi ko inaasahan dahil hindi mahaha lata sa doctor na kay bigat ng kanyang dinadala dahil habang nililigatas niya ang buhay ng iba, ay naka burol naman ang kanyang sariling anak na namatay na

Comments

Popular posts from this blog

Minsan may isang doktor

Minsan may isang doktor

Minsan may isang doktor