Minsan may isang doktor

 Minsan May Isang Doktor Salin ni Rolando A.  Bernales  Ang  “Minsan  May  Isang  Doktor”  ay  isang  makabagbag-damdaming kuwento  na  nagpapakita  ng  mga  hamon  at  sakripisyo  ng  isang  doktor  na naglilingkod sa kanyang komunidad. Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul at ang  minsanang hindi pag-unawa ng  iba  sa  kanyang propesyon,  patuloy siyang  nagbibigay  ng kanyang serbisyo nang walang hinihintay na  kapalit. Ang kuwentong ito ay sumasalamin sa katotohanan na ang mga doktor ay hindi  lamang  nagtatrabaho  para  sa  kanilang  sarili  kundi  para  rin  sa kapakanan ng kanilang mga pasyente. Ang pamagat ng kwento ay direktang tumutukoy  sa  paksa  nito.  Kaya’t  masasabi  kong  ito  ay  mahusay  at  akma bilang pamagat. Taglay nito ang katangian ng isang mabuting pamagat dahil ito’y nagbibigay ideya kung ano at sino ang paksa ng kwento. 

Mahalaga ang paksa ng kwento na patungkol sa buhay at sa tungkulin ng isang doctor na walang pinipiling panahon o pagkakataon. Sa aking reaksyon, nais kong bigyang-pugay ang lahat ng mga doktor na  tulad  ng  nasa  kuwento.  Sila  ay  tunay  na  mga  bayani  na  nag-aalay  ng kanilang oras, kaalaman, at kahit na ang kanilang personal na buhay para sa  kalusugan  at  kaligtasan  ng  iba.  Ang  kanilang  dedikasyon  at pagmamalasakit ay dapat na kilalanin at pahalagahan ng bawat isa sa atin. Aking  pinahahalagahan  ang  kwento  dahil  nagpapakita  ito  ng  halaga  ng propesyonalismo at pagmamahal sa serbisyo publiko. Ang karakter ng doktor ay nagpapakita ng integridad, matiyaga, at mapagmalasakit sa kapwa. Ang kwento  ay  nagbibigay  inspirasyon  sa  mga  mambabasa  na  maging  mas matiyaga  at  mapaglingkod  sa  kanilang  sariling  larangan.Tama  at  maayos naman ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento dahil maayos ang  pagsasalay at paglalarawan  sa  mga  pangyayari.  

Papataas  ang lebel ng kawilihan o tension sa kwento dahil namamayani ang emosyon ng tauhan. Sa  pangyayari sa kwento.  Dahil sa pag  aalala niya sa kanyang  anak naka galitan pa niya ang doctor. Ang naging umpisa ng kwento ay masasabi kong ayos lang dahil mukhang wala pa namang tensyon na magaganap sa umpisa. Ngunit  sa  umpisa  pa  lamang  na  kwento  ay  mababatid  mo  nang  may kakaibang magaganap dito. Bukod dito,  ang  kwento  ay  nagpapaalala  sa  atin  sa  kahalagahan  ng pagtutok sa pangangailangan ng iba at pagiging handang magbigay ng tulong. Ipinapakita  ng  kwento  na  sa  pamamagitan  ng  ating  dedikasyon  at pagmamahal sa propesyon, maaari tayong maging instrumento ng pag-asa at pagbabago  sa  ating  lipunan.  Malungkot  ang  naging  wakas  ng  kwento. Nakakapukaw  ito  ng  damdamin  sa  mambabasa.  Hindi  ko  inaasahan  dahil hindi mahaha lata sa doctor na kay bigat ng kanyang dinadala dahil habang nililigatas niya ang buhay ng iba, ay naka burol naman ang kanyang sariling anak na namatay na.

Comments

Popular posts from this blog

Minsan may isang doktor

Minsan may isang doktor