Minsan may isang doktor
Minsan May Isang Doktor
Salin ni Rolando A. Bernales
Isang doktor ang humahangos na dumating sa isang ospital matapos siyang ipatawag para sa isang biglaang operasyon. Dali-dali siyang tumugon sa tawag, nagbihis agad ng damit at dumiretso sa surgery block ng ospital. Nakita niya ang ama ng pasyenteng bata, naglalakad nang paroo’t parito sa pasilyo. Pagkakita sa doktor, nagsisigaw ang lalaki.
“Bakit ngayon ka lang, dok? Hindi mo ba alam na nanganganib ang buhay ng anak ko? Wala ka ba man lang pagpapahalaga sa responsibilidad?” Ngumiti ang doktor at sa mahinahong tinig ay nagwika: “Pasensya na po kayo. Wala po ako sa ospital nang ipatawag ako. Nagmadali po ako papunta rito pagkatanggap ko ng tawag. Kumalma po kayo nang masimulan ko na ang aking trabaho.”
“Kumalma? Eh kung anak mo na nasa loob ng kuwarto ngayon, makakakalma ka ba? Kung mamatay ang anak mo, ano kaya ang gagawin mo?” Galit na wika ng ama.
Muling ngumiti ang doktor at mahinahong sumagot. “Sasabihin ko ang sinabi ni Job sa Banal na Kasulatan. Sa alabok tayo’y nagmula at sa alabok tayo’y magbabalik. Purihin ang pangalan ng Diyos. Kaming mga doktor ay walang kakayahang makapagpahaba ng buhay. Humayo kayo at manalangin sa Diyos. Gagawin namin ang aming makakaya, sa awa ng Diyos.”
“Napakadali para sa iyo ang magsalita ng ganyan, palibhasa, hindi ikaw ang nasa kalagayan ko!” Bulong ng lalaki.
Tumagal ng ilang oras ang operasyon. Matapos ay masayang lumabas ang doktor.
“Salamat sa Diyos, ligtas na ang anak ninyo.”
Hindi na nakapaghintay ng sagot ang doktor. Mabilis siyang tumalilis palabras pagsasabing, “Kung mayroon kayong mga katanungan, pakitanong na lang sa nars.”
“Bakit napaka-arogante niya? Hindi man lang siya naghinti ng ilang minuto para makapagtanong ako tungkol sa kalagayan ng anak ko!” Bulalas ng lalaki pagkakita sa nars,
pagkaalis ng doktor.
Comments
Post a Comment